TINGNAN: Pananalasa ng bagyo sa Isabela

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 09:33 AM | Updated as of Sep 15 2018 10:05 AM

BENITO SOLIVEN, Isabela - Nagtulong-tulong ang mga residente dito para agad na maitabi ang mga nagkalat na naputol na sanga at mga nabuwal na puno dahil sa malakas na hangin at ulan na dala ni bagyong Ompong, Sabado ng umaga.

Sa larawang ipinadala ni Bayan Patroller Romnick Carlos, makikita ang mga puno at sanga nitong humambalang na sa kalsada.

Sinamahan pa ito ng mga lumaylay na kable ng kuryente.

May ilang sasakyan na rin ang hindi makadaan dahil dito.

Agad namang pinagputol-putol ang mga puno para muling madaanan ang kalsada.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.