Sugatang miyembro ng NPA, nailigtas ng mga sundalo

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 01:30 AM

DAVAO CITY - Nailigtas ng mga miyembro ng 28th Infantry Battalion at lokal na pamahalaan ng Lupon ang isang sugatang miyembro ng New People's Army matapos ang engkwentro ang mga kasundaluhan at rebeldeng grupo sa lungsod na ito Miyerkoles.

Nakita umano ng mga residente ang sugatang rebelde Biyernes malapit sa mga puno ng saging sa mismong lugar ng pinangyarihan ng engkwentro. Mag-isa itong dumadaing sa sakit at naka-dextrose.

Sa ngayon ay kritikal ang kondisyon nito at isinugod sa ospital nang nakitang naiwan pa ang mga balang tumama sa kanyang dibdib.

Ayon naman kay Police Regional Office (PRO XI) spokesperson PSINSP Milgrace Driz, transient lamang ang mga grupo sa lugar.

Sa ngayon ay nanatiling alerto at mahigpit ang seguridad ng mga awtoridad sa lugar dahil posibleng mauulit ang engkwentro.

"Hindi pa naman nakadowngrade yung full alert status natin so alert ang kapulisan. And we are in support with the AFP. Kailangan lang paigtingin ang kampanya laban sa insurhensiya at terorismo," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.