Binaha ang ilang bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila sa kasagsagan ng Bagyong Ompong.
Malakas ang mga alon na humampas sa Baywalk.
Nagdulot ito ng pagbaha sa Roxas Boulevard, maging sa service road sa kabilang lane. Nagsimula na ring kumalat ang mga basura.
Maraming tao ang na-stranded sa mga tindahan dahil sa lakas ng ulan at hangin. - ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.