PANOORIN: Mga basura, inanod sa Roxas Boulevard

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 06:27 AM

Lady Vicencio, ABS-CBN News

MAYNILA - Kasunod ng malakas na pag-ulan dulot ng Bagyong Ompong, sari-saring mga basura ang inanod sa Roxas Boulevard Sabado ng madaling-araw.

Kasama rito ang mga basurang itinapon sa Manila Bay tulad ng mga plastic at styrofoam.

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Ganito rin ang eksena sa Kalaw Avenue na malapit sa National Museum. Lumulutang ang mga basura sa daanan. - ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.