Nagsagawa ng preemptive evacuation ang lokal na pamahalaan ng Quezon City nitong Sabado bilang paghahanda sa malakas na pag-ulan at hangin na dala ng bagyong Ompong.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), aabot na sa 510 na pamilya ang nasa evacuation centers ng barangay Bagong Silangan, Tatalon, Roxas, Doña Imelda, at Sta. Lucia.
Wala pa namang na-monitor na pagbaha ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) mula Biyernes hanggang Sabado ng umaga.
Mayroon lamang 20 insidente ng mga nabuwal na puno sa iba't ibang barangay gaya ng Commonwealth at Barangay Capri 2-B kung kaya ito ang inaaksyunan ng mga tauhan ng QCDRRMO.
Iniimbestigahan din nila ang dalawang drowning incidents na naiulat sa barangay Silangan at Novaliches proper.
—Ulat nina Doland Castro at Apples Jalandoni, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, Ompong, #OmpongPh, Typhoon Ompong, Bagyong Ompong, panahon, weather, Mangkhut, Quezon City