Mga puno sa QC, nagbagsakan sa dalang hangin ng bagyong Ompong

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 08:23 AM | Updated as of Sep 15 2018 08:30 AM

Bumagsak ang ilang mga puno sa Quezon City sa magdamag ng Sabado bunsod ng malakas na hanging dala ng bagyong Ompong. Kuha ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Malakas na hangin ang naranasan sa Quezon City buong magdamag ng Sabado kasabay ng paghagupit ng bagyong Ompong sa Luzon. 

Hindi gaanong malakas ang buhos ng ulan pero ang hagupit ng hangin ay nakapagpabagsak sa maraming puno. 

Pasado alas-3 ng madaling araw nang magsimula ang bugso ng malakas na hanging dulot ng Ompong.

Sa pag-iikot ng ABS-CBN News, pabugso-bugso lang ang naging buhos ng ulan. 

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa Mindanao Avenue, nagkalat ang naputol na bahagi ng puno at maging mga sanga nito sa kalsada.

Bagsak din ang puno sa EDSA bago dumating ng corner Quezon Avenue pero natanggal na ito.

Kuha ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Mayroon ding bagsak na puno sa tapat naman ng Sto. Domingo church.

May nagkalat din na orange barriers sa kalsada na gabay sana para sa U-turn slots. 

Namataan din sa pag-iikot ang ilang pasahero na nahihirapan at bumabaliktad ang mga payong sa lakas ng hangin.

Hinarangan naman ng napakalaking puno ang Panay Avenue kaya't di na makakanan kung galing ng EDSA.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.