BACOLOD CITY - Ilang mga pasaherong papuntang Iloilo ang hindi pa nakakaalis sa Bredco Port sa Bacolod City Sabado dahil sa pagkansela ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga biyahe ng fast craft o maliliit na sasakyang pandagat simula Biyernes ng gabi.
Kinansela na rin ang biyahe ng mga roll-on/roll-off (RORO) vessels dahil sa masamang panahon.
Ayon kay PO1 Louie Campaner, commander ng PCG Sub-station Bacolod, mahirap sa ngayon ang pagdaong ng mga barko sa pantalan ng Iloilo dahil sa lakas ng hangin kaya pansamantalang itinigil muna ang biyahe.
Dagdag pa ng Coast Guard, wala ring biyahe ang iba pang sasakyang pandagat sa iba pang mga pantalan sa Negros Occidental.
Bukod sa mga biyahe sa karagatan, kanselado rin ang apat na biyaheng papuntang Maynila mula sa Bacolod-Silay Airport.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.