Ilang lugar sa Luzon, nawalan ng kuryente dulot ng 'Ompong'

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 12:24 PM | Updated as of Jan 26 2020 04:10 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng Northern Luzon at Cordillera nitong umaga ng Sabado dulot ng bagyong Ompong, ayon sa National Electrification Administration (NEA). 

Mula nitong alas-8 umaga ng Sabado, nawala ang buong supply ng kuryente sa mga susunod na lugar. 

  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur
  • La Union
  • Nueva Vizcaya
  • Benguet (maliban sa La Trinidad)
  • Mountain Province
  • Abra
  • Kalinga

Brownout din sa ilang bahagi ng Pangasinan tulad ng Agno, Anda, Bani, Bolinao, Burgos, Dasol, at Infanta. 

Wala ring kuryente ang karamihan ng bayan sa Isabela. 

Nasira naman ang linya ng national grid sa maraming bayan ng Quirino. 

Wala ring kuryente sa Botolan, Candelaria, Iba, Palawig, at Masinloc sa lalawigan ng Zambales. 

Sa Aurora naman, nawalan ng kuryente sa Casiguran, Baler, at San Luis. 

Nawalan din ng kuryente sa Quezon. 

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, 18 transmission lines ang naapektuhan ng bagyo.

Sa mga ito, 17 ay nasa Northern Luzon, habang 1 ay galing sa Southern Luzon.

Sa Meralco franchise areas naman, nasa 430,000 customer ang nawalan ng kuryente dahil sa Ompong. 

Paliwanag ng Meralco, hindi pa nila masolusyonan ang kawalan ng kuryente dahil malakas ang ulan at baha sa lugar.

Ayon sa Facebook page ng Meralco, naitala nitong umaga ng Sabado ang power interruption sa ilang bahagi ng Bulacan, Quezon City, Caloocan, Malabon, Pasig City, Valenzuela, Manila, Cavite, at Marikina City bunsod ng emergency line trouble. 

-- May ulat nina Alvin Elchico at Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.