PatrolPH

Higit 2,000 pamilya sa Pangasinan, inilikas dahil sa posibleng pagbaha

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 01:51 PM

Watch more on iWantTFC

Patuloy na nananalasa ang bagyong Ompong sa Pangasinan kung saan nakataas ang storm signal no. 2 nitong Sabado. 

Dahil sa malakas na ulan at hangin, higit 2,000 pamilya sa Dagupan ang inilikas.

EVACUEES SA PANGASINAN: 
•25 town
•2378 pamilya
•9528 indibidwal

Watch more on iWantTFC

Ang mga ito ay nakatira sa coastal areas kung saan mataas ang posibilidad na magbaha dahil na rin sa malakas na mga alon. 

Gayunpaman, lahat ng kalsada sa Pangasinan ay nananatiling nadadaanan.

Watch more on iWantTFC

Samantala, nawalan naman ng kuryente sa mga sumusunod na lugar: 

• Bolinao
• Bugallon
• Aguilar
• Binmaley
• Agno
• San Fabian
• Lingayen
• Sual
• Mangatarem
• Alcala
• Sison
• Asingan
• Urdaneta
• Binalonan
• Balungao
• Natividad
• Rosales
• San Quintin

Nito lamang umaga ng Sabado, bahagyang humina ang Ompong habang tinutumbok ang Ilocos Norte pero Signal No. 4 ay nakataas pa rin sa mga sumusunod na lugar:

• Ilocos Norte
• Apayao
• Abra
• Kalinga
• Babuyan Group of Islands

- Ulat nina Cris Zuniga at Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.