Higit 10,000 residente, lumikas na sa Baggao, Cagayan

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 08:23 AM | Updated as of Sep 15 2018 08:29 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mahigit 10,000 residente na ang inilikas sa Baggao, Cagayan kung saan naglandfall ang bagyong Ompong. 

Ayon kay Baggao Municipal Disaster Risk Reduction and Management office chief Narciso Corpuz, halos 11,000 residente na ang namamalagi sa mga evacuation center ng munisipyo. 

Natutugunan na rin daw ang pangangailangan ng mga evacuees ng pagkain at malinis na tubig. 

Nagsagawa sila ng pre-emptive evacuation sa mga residente na malapit sa mga peligrosong lugar. 

Naglandfall kaninang alas-1:40 ng umaga ang bagyo sa Baggao, Cagayan. -- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.