Higit 1,000 pamilya sa Dagupan, inilikas dahil sa banta ng storm surge

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 01:42 AM

Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

DAGUPAN CITY, Pangasinan - Mahigit 1,000 pamilya o 3,000 katao na nakatira malapit sa dagat nitong siyudad ang inilikas Biyernes dahil sa banta ng storm surge dala ng Bagyong Ompong.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), nasa 14 na paaralan ang ginamit na evacuation center.

Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

Patuloy rin sa pag-iikot ang mga tauhan ng CDRRMC para magpatupad ng forced evacuation sa mga lugar na posibleng magkaroon ng pagbaha.

Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

Nakahanda na rin ang mga rescue equipment ng Pangasinan na kasalukuyang nasa ilalim ng signal number 2. - ulat ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.