Chico River sa Bontoc, umapaw; Marcos Highway, isinara dahil sa landslide

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 04:14 PM

Ramdam na rin sa mga lalawigan ng Mt. Province at Benguet ang hagupit ng bagyong Ompong.

Umapaw ang Chico River sa bayan ng Bontoc. Mt. Province dahil sa bagyong Ompong.

Sa mga larawan at bidyong kuha ng Philippine Red Cross Mt. Province, makikita ang pagragasa ng tubig.

 

Nagkaroon rin ng landslides sa Barangay Samoki dahil sa malakas na ulan Sabado ng umaga.

 

Samantala, hindi na rin madaanan ang Asin Road sa Baguio City dahil sa pagbaha.

Isinarado na rin ang Marcos Highway dahil sa pagguho ng lupa.

Umapaw rin ang isang creek sa bayan ng La Trinidad.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kasalukuyang nakataas ang signal no. 3 sa mga lalawigan ng Cagayan including Babuyan Group of Islands, Batanes, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao at Abra.

- ulat mula kina Micaella Ilao at Maira Nuarin, ABS-CBN News