Bilang ng evacuees sa Cordillera, patuloy na dumarami

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 05:58 AM

Michelle Soriano, ABS-CBN News

Nasa 417 pamilya o 1,164 katao ang pumunta sa mga evacuation center sa Benguet, Kalinga, at Abra dahil sa Bagyong Ompong.

Lumikas naman ang 207 pamilya o 806 katao pero piniling manatili nalang sa bahay ng kanilang mga kamag-anak.

Karamihan sa mga evacuee ay mga babae at bata. Nagpaiwan daw kasi sa kanilang mga bahay ang mga nakatatandang lalaki para magbantay ng mga naiwang hayop at gamit.

Michelle Soriano, ABS-CBN News

Sa Tuba, Benguet, wala pang naitatalang landslide pero nagpatupad na ng forced evacuation sa Kiangan Village, Barangay Camp 3, Camp 6 sa Barangay Camp 4 at Barangay Twin Peaks.

Agad inabutan ng relief packs ang mga evacuee. May hygiene kits, sleeping kits, at mga gamot ding iniwan sa kanila.

Dalawang landslide na ang naitala sa Itogon, Benguet at isa naman sa Asipulo, Ifugao pero wala namang nasaktan sa mga insidente.

Apektado rin ng pagbaha ang Tabuk City, Kalinga dahil sa pag-ulan. - ulat ni Michelle Soriano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.