Bayan Mo i-Patrol Mo: Hagupit ni 'Ompong' sa mga lalawigan

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 03:12 PM

Ibinahagi ng Bayan Patrollers ang naging epekto ng bagyong Ompong sa kani-kanilang lugar.

Sa Claveria, Cagayan, kita sa kuha ni Bayan Patroller Rhey Calapati ang paghampas ng malalakas na hangin at ulan sa Barangay San Antonio. Kuha ang video alas-7 ng umaga, Sabado.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Alas-3 pa ng madaling araw nang nagsimulang sumungit ang panahon sa lugar.

Sa Allacapan, Cagayan, natuklap sa lakas ng hangin ang bubong ng isang rice mill sa Barangay Cataratan, na navideohan ni Bayan Patroller Krizna Padua pasado alas-7 ng umaga.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Rumaragasa naman ang tubig sa Bued River sa Barangay Twin Peaks, Tuba, Benguet bandang alas-11 ng umaga ang makikita sa ibinahaging video ni Bayan Patroller Julie Pearl Bolasa.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bumagsak naman ang isang puno sa bubong ng kapitbahay ni Bayan Patroller Jan Manuel bandang alas-5 ng umaga sa Barangay D.L. Maglanoc, Carranglan, Nueva Ecija. Maswerteng walang nasaktan sa mga nakatira sa bahay.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ramdam ang bagsik ng hangin sa Barangay Poblacion 61, Real, Quezon sa kuhang video ni Bayan Patroller Ronie Gacayan, bandang alas-6 ng umaga.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon kay Gacayan na siya ring kapitan ng barangay, tatlong pamilya na nasa coastal area ang inilikas na.

Wala nang supply ng kuryente sa lugar, pero wala pang naitatalang nasawi.

Ibinahagi ni Bayan Patroller Richard Taguicana ang video ng malakas na buhos ng ulan at hangin sa Barangay Baduang, Pagudpud, Ilocos Norte pasado alas-9 ng umaga.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Malakas naman ang ulan sa Barangay Pagasa sa Rizal, Isabela sa video ni Bayan Patroller Wilmar Pascua.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakuhanan din ng video ni Bayan Patroller Joyce Melgar ang malakas na hampas ng alon sa may Barangay Cato, Infanta, Pangasinan pasado alas-7 ng umaga. Kwento ni Melgar, kahapon pa nang nagsimulang sumungit ang panahon.

Watch more in iWantv or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.