Bahagi ng Marikina River nasa critical level na

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 10:03 AM | Updated as of Jan 26 2020 04:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nasa critical level na ang antas ng tubig sa Marikina River sa bahagi ng Rodriguez, Rizal.
 
Sa tala ng Hydrometeorology division ng PAGASA, 7:48 ng umaga nitong Sabado nang umapaw at pumalo sa 24.7 meters capacity ang ilog.

 

Kasalukuyan nang nagbabaha sa Rodriguez, Rizal.

Nakataas din ang alert level sa ibang bahagi ng Marikina River sa Sto. Niño. 

 

Nasa alarm level na rin ang Marikina River sa bahagi ng Burgos Marikina at San Mateo, Rizal.

Kapag alarm level ay wala pa itong peligro at precautionary measure pa lang dahil tumataas na ang tubig sa mga ilog.

Ayon sa PAGASA, unti-unti ang pagtaas ng mga ilog ngayon dahil pabugso-bugso lamang ang pag-ulan sa Metro Manila.

—Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.