Asawa ng alkalde sa Surigao del Sur, patay sa pamamaril

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 10:19 PM

Patay ang asawa ni Bislig Mayor Librado Navarro matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Baywalk Poblacion, lungsod ng Bislig, Surigao del Sur, Sabado ng gabi.

Nagtamo ng bala sa ulo ang biktimang si Carmencita Navarro na idineklarang dead on arrival sa Bislig District Hospital, ayon sa pulisya.

Nasa baywalk ang biktima habang naghahanda para sa International Federation of Organic Agricultural Movement nang pagbabarilin siya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.