MAYNILA - Sa kabila ng malakas na ulan dulot ng bagyong Ompong, nasunog ang nasa walong bahay sa loob ng isang compound sa Rosario, Pasig City Sabado.
Ayon sa awtoridad, sumiklab ang sunog sa loob ng Cordova Compound pasado 12:30 ng hapon.
Electrical overload ang isa sa mga tinitingnang sanhi ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Tinatayang aabot sa kalahating milyon ang halaga ng pinsalang dala ng sunog. Aabot rin sa 130 tao ang apektado ng sunog.
Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.
- ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.