6 patay sa sunog sa Novaliches

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 02:17 AM

MAYNILA - Patay ang 6 katao sa sunog sa isang commercial area sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Insp. Rosendo Cabillan ng Bureau of Fire Protection (BFP), magkakamag-anak umano ang mga nasawi.

Hindi pa matukoy ang mga pagkakakilanlan ng mga namatay dahil agad na kinuha ito ng kanilang pamilya.

Idineklara nang under control ang sunog na sumiklab sa isang pamilihan sa General Luis, Novaliches.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates. 

- ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.