37 pamilya sa Negros Occidental lumikas dahil sa pagtaas ng tubig

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 04:30 PM

HIMAMAYLAN CITY - Lumikas ang 37 pamilyang naninirahan sa tabi ng dagat sa Barangay Aguisan sa lungsod na ito Biyernes ng gabi dahil sa malakas na pag-ulan.

Nilisan ng mga residente ang kani-kanilang tahanan dahil sa unti-unting pagtaas ng tubig sa dagat.

Ayon sa head ng Disaster Management Program Division sa Negros Occidental na si Dr. Zeaphard Caelian, ang mga residente na ang mismong nagpasyang lumikas para rin sa kanilang kaligtasan.

Kasalukuyang nananatili sa elementary school ng Barangay Aguisan ang mga lumikas na pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.