3 patay, 4 nawawala sa pagguho ng lupa sa Itogon

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 05:08 PM

MAYNILA - Tatlo ang patay habang apat ang nawawala sa magkahiwalay na insidente ng pagguho ng lupa sa Itogon, Benguet nitong Sabado matapos ang pananalasa ng bagyong Ompong.

Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, kabilang sa mga namatay ang isang 13-anyos na bata.

"'Yung tatay buhay, dinala sa ospital. 'Yung small-scale miner, nahulog backhoe nila kasama 'yung walong nandoon. Na-rescue nila 'yung anim. Two are missing pa hanggang ngayon po," aniya.

"'Yung nagre-rescue na walo, anim ang na-rescue nila sa kanila. 'Yung dalawa missing hanggang ngayon. 'Yung isang barangay pa... dalawa ang missing."

Nauna nang sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na dalawang responder ang namatay sa Cordillera region.

Isa ang Benguet sa mga lugar na dumanas ng matinding pagtama ng bagyo. Nasa ilalim pa rin ito ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 3.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.