16 nailigtas matapos anurin ang balsa sa ilog sa La Union

Justin Aguilar, ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2018 03:51 PM | Updated as of Sep 15 2018 08:42 PM

Kuha ni Marilou Amaya

(UPDATE) Nailigtas na ang 16 na katao na inanod ng rumaragasang tubig habang nakasakay sa balsa sa Aringay River, bayan ng Tubao, La Union nitong Sabado.

Nagpalutang-lutang ang mga ito hanggang sa maabutan ng tali at sumadsad ang balsa sa bahagi ng Barangay San Antonio.

Kahit basang-basa sa ulan at nilalamig, nakangiti sa mga larawan ang mga nailigtas na residente.

Sa pinakahuling impormasyon ng barangay, nakauwi na ang mga residente sa Tubao.

Naunang naiulat na 15 indibidwal ang inanod ng malakas na agos ng ilog habang nakasakay sa balsa. --Ulat ni Justin Aguilar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.