Ilang lugar sa QC, Valenzuela, pansamantalang mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Sep 15 2017 03:57 PM

Pansamantalang mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa Quezon City at Valenzuela sa susunod na linggo, ayon sa Maynilad.

Nakatakdang magsagawa ng pipe network upgrade ang Maynilad simula alas-9 ng gabi ng Setyembre 21, Huwebes hanggang alas-5 ng umaga ng Biyernes.

Apektado ng nasabing proyekto ang mga sumusunod na lugar:

Quezon City

• Bagbag
• Greater Fairview
• Gulod
• Nagkaisang Nayon
• San Bartolome
• Santa Lucia
• Sauyo
• Talipapa

Valenzuela

• Ugong

Inabisuhan naman ng Maynilad ang mga residente ng apektadong lugar na mag-ipon ng sapat na tubig bilang paghahanda sa water interruption.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.