Bilanggo pumuga sa sub-provincial jail sa Northern Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2019 10:47 AM

Iniimbestigahan na ng awtoridad kung paano nakatakas si Antonio Gonna mula sa sub-provincial jail sa Northern Samar. Larawan mula sa Police Regional Office 8

Pinaghahanap na ngayon ng awtoridad ang bilanggong nakatakas sa Laong Sub-Provincial Jail sa Northern Samar, Huwebes ng tanghali.

Kinilala ng Police Regional Office 8 ang takas na bilanggo na si Antonio Gonna.

Nakulong si Gonna noong Pebrero 22 sa kasong murder.

Nagtutulungan na ngayon ang joint tracker team ng Laoang Municipal Police Station at Laoang Sub-Provincial Jail para mahanap ang bilanggo.

Iniimbestigahan na rin ngayon kung papaano siya nakatakas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.