60 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2019 08:39 AM

MAYNILA—Nawalan ng tirahan ang nasa 60 pamilya sa sunog sa Barangay Old Capitol Site, Quezon City, Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang sunog alas-4 ng madaling-araw sa Matiwasay Extension at mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.

Nahirapan din ang mga bombero na apulahin ang sunog dahil masikip ang daan sa lugar.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at tuluyan itong naapula matapos ang 1 oras kung saan nasa 30 kabahayan ang natupok.

Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi at danyos ng sunog.—Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.