37 anyos nag-seizure, nalunod sa baha sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2019 01:41 PM | Updated as of Sep 14 2019 09:42 PM

Watch more in iWantTFC

Nalunod ang isang 37 anyos na lalaki matapos atakihin ng seizure nang bahain ang kanilang bahay sa Cauayan, Negros Occidental Biyernes ng madaling araw. 

Kinilala ang biktima na si Anthony Adolfo, na binaha ang bahay dulot ng epekto ng bagyong Marilyn. 

Batay sa imbestigasyon ng Philippine National Police, nagising si Adolfo bandang alas-3 ng madaling araw at lumabas sa binabaha na sala. 

Bigla na lang daw inatake ng seizure si Adolfo, dahilan para matumba. Pinaniniwalaang nalunod ito sa baha. 

Naabutan na lang daw itong patay ng kaniyang ina. 

Hindi man inaasahan ang pag-landfall, nagdulot ng pag-ulan ang bagyong Marilyn sa ilang bahagi ng bansa, dahilan para bumaha sa ilang lungsod. 

-- Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.