1 patay, 2 sugatan sa aksidente sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2019 05:15 PM

Nawalan umano ng kontrol ang SUV na nagtuloy-tuloy sa gilid ng Calaguiman Bridge sa bayan ng Samal sa Bataan. Larawan mula kay Jimmy Sy

Isa ang patay habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan matapos mahulog sa gilid ng Calaguiman Bridge ang sinasakyan nilang SUV sa bayan ng Samal sa Bataan, Sabado ng umaga.

Sa ospital sa Balanga City binawian ng buhay si Albert dela Cruz. Nakilala naman si Leonel Bugay bilang isa sa dalawang nasugatan sa aksidente.

Ayon sa inisyal na ulat, sakay ng puting Ford Everest na may plakang AAS 9028 ang mga biktima.

Sinasabing mabilis nilang binabagtas ang Roman Highway at nawalan ng kontrol ang sasakyan hanggang sa magtuloy-tuloy na nahulog sa gilid ng tulay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.