TINGNAN: Pagbaha sa ilang lugar sa Zamboanga City

Noning Antonio, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 04:49 PM

ZAMBOANGA CITY - Binaha na ang ilang mga lugar sa lungsod dahil sa malakas na ulan Biyernes ng hapon.

Kasalukuyang pinalalakas ng bagyong Ompong ang hanging habagat na nakaaapekto ngayon sa Zamboanga City.

Ayon sa Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang mga umapaw na ilog ang nagdulot ng pagbaha sa lungsod.

May ilang mga pamilya na rin ang inilikas habang ang mga klase sa eskwelahan sa lahat ng antas ay kanselado na rin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.