TINGNAN: Bayan Patrollers, dama na ang ulan at hangin ni 'Ompong'

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 10:42 PM

Nakuhanan ng mga Bayan Patroller ang malakas na pagbuhos ang ulan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas dala ng bagyong Ompong.
 
Sa kuhang video ni Bayan Patroller Cris Fransisco pasado alas-5 ng hapon, makikita ang pagbayo ng malakas na hangin na may kasamang malakas na ulan ang Lal-lo, Cagayan. 

Sa kuhang video ni Bayan Patroller Ali Balmaceda kaninang alas-8 ng umaga, makikitang malakas na ang hangin sa Virac, Catanduanes at nagsimula na rin ang pagbuhos ng ulan doon.

Namataan ni Bayan Patroller Mark Glenn Astis ang malalaking alon at malakas na hangin sa Barangay Batangan, Gonzaga, Cagayan.

Namataan ang malalaking alon at malakas na hangin sa may dalampasigan ng Barangay Batangan, Gonzaga, Cagayan. Kuha ni Bayan Patroller Mark Glenn Astis

Makikita rin ang isang evacuation center sa nasabing lugar, sa kuhang larawan naman ni Bayan Patroller Roselyn Campano. 

Kaninang alas-10 ng umaga, makikitang malakas ang hangin at ulan sa San Antonio, Aparri, Cagayan sa kuhang video ni Bayan Patroller Prince Labasan

Malakas ang hangin at ulan as San Antonio, Aparri, Cagayan kaninang alas-10 ng umaga. Kuha ni Bayan Patroller Prince Labasan
Malakas ang hangin at ulan as San Antonio, Aparri, Cagayan kaninang alas-10 ng umaga. Kuha ni Bayan Patroller Mark Espirito Raparejo

Nagsasayaw naman ang mga puno dahil sa malakas na hangin at ulan sa Mountain Province kaninang alas-12 ng tanghali sa kuhang video ni Bayan Patroller Camille Bangilan. 

Nagsasayaw ang mga puno dahil sa malakas na hangin at ulan sa Mountain Province. Kuha ni Bayan Patroller Camille Bangilan

Sa kuha ng Blue Falcons Aurora Chapter nitong umaga ng Biyernes, makikita ang bahagyang pagkulimlim ng ulap sa Baler, Aurora. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.