Retiradong sundalo huli sa pagbebenta umano ng mga ilegal na armas

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 12:46 PM

Naaresto noong hapon ng Miyerkoles ang isang retiradong sundalo sa lungsod ng Kabankalan, Negros Occidental dahil sa ilegal na pagmamay-ari at pagbebenta ng mga armas.

Hinuli ng pulisya ang 55-anyos na suspek sa isang buy-bust operation sa Barangay Linao.

Nagbenta umano ang suspek sa isang nagpanggap na kostumer ng isang caliber .45 pistol at mga bala.

Ikinasa ang operasyon matapos umanong makatanggap ng impormasyon ang mga pulis ukol sa pagbebenta ng mga paltik na armas ng suspek.

Nakuha pa sa suspek ang ibang mga baril at bala.

Nakatakdang sampahan ng kasong illegal possession and selling of firearms and ammunition ang suspek.

-- Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.