Pulis timbog sa buy-bust sa Davao City

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 03:55 PM

DAVAO CITY -- Arestado sa buy-bust operation ng Talomo Police at Philippine Drug Enforcement Agency Region ang isang pulis malapit sa kampo ng pulisya sa lungsod na ito Biyernes ng umaga.

Nakilala ang naaresto na si PO1 Querubin Cris John Coyno Ferido na taga Barangay Mankilam, Tagum City.

Si Ferido ay isang PNP Trainee Batch 2017 at kasalukuyang nakakustodiya sa Regional Police Holding and Accounting Office.

Ayon kay Police Chief Inspector Ronald Lao, hepe ng Talomo police, matunog ang pangalan ni Ferido sa mga dati na nilang naaresto sa ilegal na droga.

Nakuha mula sa naaresong pulis ang isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000.

Haharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.