Preso tinambangan habang papunta sa korte

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 12:00 PM

BATANGAS CITY – Patay sa pananambang ang isa umanong big time drug pusher sa lungsod na ito, Biyernes ng umaga.

Papuntang court hearing si Elvis Areglo kasama ang ilang tauhan ng Batangas Provincial Jail nang tambangan ng may 5 salaring sakay umano ng SUV.

Agad na nasawi si Areglo na 3 taon nang nakakulong dahil sa drug-related na kaso, ayon kay Senior Superintendent Edwin Quitales

Itinuturo rin umano siya bilang supplier ng mga nakalaya nang inmate na bumalik sa ilegal na gawain.

Sinasabi ring driver ang napatay na inmate ng drug lord na si Peter Co.

Nito lamang Huwebes ng umaga nang tambangan din habang papunta sa court hearing ang isang drug personality sa Cebu City.

Bukod sa preso, namatay rin sa ambush sa Cebu ang kasama niyang 2 prison guards.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.