'Nanlaban': Lalaki patay sa buy-bust sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 03:45 AM

DAVAO CITY - Patay ang isang hinihinalang tulak sa buy-bust operation sa Barrio Puwak, Bunawan, Davao City nitong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Bryan Aprosta na nakuhanan ng kalibre .38 na baril at isang sachet ng umano'y shabu.

Ayon kay Chief Insp. Reuben Libera, hepe ng Sasa Police Station, nagpaputok umano ang suspek matapos nitong mahalata na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Aniya, napilitang magpaputok ang mga pulis na naging dahilan sa pagkamatay ni Aprosta.

Hindi na umabot ng buhay ang suspek nang dalhin sa ospital. - ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.