Lalaking nag-amok sa QC, napatay ng mga pulis

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 05:47 AM

MAYNILA - Napatay ng mga pulis ang isang lalaki na nag-amok sa Quezon City Huwebes ng gabi.

Kinilala ang namatay na si Gregorio Bugtong na dating drug surrenderer.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director Joselito Esquivel, nagpaputok umano ang lalaki sa kaniyang kapitbahay matapos siyang tanggihan sa inuman.

Pagkatapos ay nagwala umano ito sa Barangay Batasan kung saan nirespondehan ng mga pulis.

Nagkahabulan sina Bugtong at ang mga pulis na umabot sa Liwanag St., Barangay Old Balara.

Nagkaputukan sila matapos umanong manlaban si Bugtong na dahilan sa pagkamatay nito.

Ayon sa pulisya, sangkot si Bugtong sa iba't ibang kaso at dati na ring inireklamo sa pag-aamok. - ulat nina Lyza Aquino at Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.