Grocery, iba pang tindahan nasunog sa Tacloban

Sharon Carangue, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 03:05 PM

TACLOBAN CITY - Nasunog ang isang grocery at mga kalapit nitong tindahan sa lungsod na ito, Biyernes.

Bukod sa pamilihan, nasunog din ang isang tindahan ng LPG at ilang tindahan ng isda sa kalapit na talipapa.

Ayon sa mga pedicab driver, una nilang napansin ang apoy sa grocery alas-3 ng madaling araw.

Sinubukan umano nilang patayin ang apoy ngunit kulang ang tubig sa lugar, at agad na kumalat and sunog dahil sa malakas na hangin.

Naapula ang sunog matapos ang isang oras.

Maaaring nagsimula sa isang sirang kable ng kuryente ang sunog, sabi ng mga bombero.

Patuloy pang inaalam ng mg awtoridad kung magkano ang halaga ng ari-arian ang napinsala dahil sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.