Bahagi ng kalsada sa San Carlos City, gumuho dahil sa malakas na ulan

Barbara Mijares, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 11:02 PM

SAN CARLOS CITY - Pansamantalang hindi nadaanan ng mga motorista ang isang bahagi ng Econtranslink Highway sa San Carlos City, Negros Occidental dahil sa pagguho ng lupa at mga bato Biyernes ng hapon.

Ayon sa San Carlos City Disaster Risk Reduction Management Office, kalahati ng daan ang natabunan ng landslide. 

Itinuturing itong active landslide kung kaya’t may maidudulot na panganib sa mga motorista.

Agad iniulat sa Department of Public Works and Highways ang insidente at isinasagawa ang clearing operation.

Wala naman nasugatan na tao o nasirang gamit sa nangyaring landslide.

Pag-ulan na dala ng habagat ang dahilan ng pagguho ng lupa at mga bato.

Matapos ang clearing operation ay bumalik din sa normal ang daloy ng trapiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.