ALAMIN: Ligtas tips sa nakaambang pananalasa ng bagyong Ompong

ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2018 05:36 PM

Nasa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Ompong at nakaambang manalasa sa maraming bahagi ng Luzon ngayong Biyernes hanggang sa weekend.

Ang Ompong — na pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa ngayong taon — ay huling namataan sa 470 kilometro silangan ng Baler, Aurora bandang ala-1 ng hapon Biyernes.

Bilang paghahanda, narito ang ilang tips upang gabayan ang mga maaaring maapektuhan ng bagyo:

Watch more in iWantv or TFC.tv
  • Ugaling mag-antabay sa weather updates sa telebisyon, radyo, o sa social media accounts ng PAGASA. 
  • Bago pa man dumating ang bagyo, suriing mabuti kung matibay ang bubong at pader ng bahay. 
  • Mahalaga rin na mag-ensayo ng family evacuation drill sa panahon ng disgrasya. 
  • Alamin kung mabilis bahain ang inyong lugar upang maagapan ang peligro. 
  • Kaagad lumikas kung makatanggap ng anunsiyo. 
Watch more in iWantv or TFC.tv
  • Maghanda ng emergecy go-bag na paglalagyan ng mga pagkain at iba pang bagay na maaaring gamitin sa paglikas. 
  • Tipirin ang baterya ng cellphone ng bawat miyembro ng pamilya para makatawag ng saklolo. 
  • I-charge ang power bank para may baterya pa rin kahit maputulan ng kuryente sa lugar. 
Watch more in iWantv or TFC.tv
  • Maghanda ng flashlight na may extra battery para may magamit sa loob ng hindi bababa sa tatlong araw. 
  • Kung mataas na ang baha sa lugar, mas mainam na kargahin na lang ang mga batang nililikas. 
  • Huwag ilagay ang mga bata sa planggana o batsa dahil maaari itong mabitawan at anurin ng baha. 
  • Gumawa ng safety line o gabay na lubid kung tatawid sa baha. 
  • Tandaan rin ang national emergency hotline na 911.


Narito pa ang ibang numero na dapat mong tandaan:

NATIONAL EMERGENCY HOTLINE: 911

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL
Trunkline: (02) 911-5061 to 65
Facebook: www.facebook.com/NDRRMC
Twitter: @ NDRRMC_OpCen

PHILIPPINE RED CROSS
Hotline: 143 / (02) 790-2300
Facebook: www.facebook.com/phredcross
Twitter: @philredcross

PHILIPPINE COAST GUARD
Hotline: (02) 527-8482 to 89 / (02) 527-3880 to 85
Facebook: www.facebook.com/philcoastguardofficialpage
Twitter: @PhilCoastGuard1

BUREAU OF FIRE PROTECTION
Hotline: (02) 426-0236 , (02) 426-0219
Facebook: www.facebook.com/bureauoffireprotection911

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY
Hotline: 136 / (02) 882-4151 to 77
Viber: (0939) 922-7161
Facebook: www.facebook.com/MMDAPH
Twitter: @MMDA

PAGASA
Central Office: (02) 434-2696
Facebook: www.facebook.com/PAGASA.DOST.GOV.PH
Twitter: @dost_pagasa

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT
Trunkline: (02) 931-81-01
Facebook: www.facebook.com/dswdserves
Twitter: @dswdserves

PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Hotline, 117, 911, (02) 723-0401
Text Hotline: PNP (space) (message) to 2920
Facebook: www.facebook.com/pnp.pio
Twitter: @pnppio

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.