Teenager, ina pinagbabaril sa kanilang bahay

Ernie Manio, ABS-CBN News

Posted at Sep 14 2016 11:52 AM

MANILA - Patay ang mag-ina matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa loob ng kanilang bahay sa Rodriguez, Rizal.

Ayon sa mga nakakita, dalawang motorsiklong may tig-dalawang sakay ang bumaril kay Mary Grace Blando, 31 at anak na si Rogieboy, 17 sa Barangay San Jose.

Natagpuan naman sa loob ng bahay ang pitong pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Sa kabila nito, hindi pa malinaw sa mga awtoridad kung may kaugnayan sa droga ang pamamaslang lalo't hindi naman kasali sa drugs watchlist ang mga biktima.

"Maaaring drug related pero kailangan pa ng masusing imbestigasyon," ani Inspector Raquel Escobedo ng Rodrigues police.

Naniniwala naman ang pamilya ng mag-ina wala silang kinalaman sa iligal na droga.