TINGNAN: 3 sasakyan sangkot sa aksidente sa Davao City

Vina Araneta, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2019 06:39 PM | Updated as of Sep 13 2019 07:15 PM

Suwerteng walang malubhang nasaktan sa aksidenteng kinasangkutan ng tatlong behikulo sa Barangay Matina Pangi, Davao City, Biyernes ng hapon.

Ayon sa ulat, isang forward truck ang bumangga sa nakaparadang pick-up.

Nakaligtas ang dalawang pasahero ng pick-up na kabababa lamang ng sasakyan ilang minuto bago ang aksidente.

Pero sa lakas ng impact, nabangga din ng pick-up ang nakaparadang kulay asul na truck.

Gasgas lang ang natamo ng driver at ng mga pahinante ng ikalawang truck.

Ayon sa driver ng nakabanggang truck, hindi niya na nakontrol ang behikulo dahil nagkaproblema ito sa preno.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.