FDA nagbabala laban sa mga pagkain na di rehistrado

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2019 07:46 PM

Watch more in iWantTFC

Nagpaalala ang isang opisyal ng Food and Drug Administration (FDA) sa publiko na huwag bumili ng mga produktong hindi dumaan sa inspeksiyon at hindi rehistrado sa ahensiya.

Ito'y dahil inaasahan umano ng ahensiya na maglilipana na ang mga hindi rehistradong produkto sa merkado lalo at papalapit na ang Pasko.

Ayon kay FDA officer-in-charge Eric Domingo, dapat may FDA seal at expiration date ang binibiling pagkain.

"Sa ating mga consumers, be vigilant. Make sure na ang pinangreregalo nila is a safe product. That it has been inspected, that it is registered with the FDA," ani Domingo.

"Basta processed food at siya pino-produce in commercial quantities at binebenta sa publiko, nakalagay sa batas natin, kailangan mag-register sa FDA," ani Domingo.

Binigyan ni Domingo ng isang buwan ang mga manufacturer ng mga hindi rehistradong produkto para kusang alisin ang mga ito sa merkado.

Kapag lumipas ang isang buwan, muli raw mag-iikot ang mga tauhan ng FDA para kumpiskahin ang mga hindi pa natatanggal.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.