Dating police asset, 5 iba pa timbog sa droga sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2019 04:40 AM | Updated as of Sep 13 2019 04:41 AM

MAYNILA—Balik-kulungan ang 6 katao sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City Huwebes ng gabi.

Isang dating police asset ang nahuli ng mga tauhan ng Project 4 Police Station sa Barangay Pansol.

Ayon kay Pansol Barangay Chairman Jojo Mahusay, dati nang nakulong ang suspek dahil sa pagnanakaw.

Timbog rin ang kasabwat nitong mag-live-in partner at isa pang kasamahan na pawang mga nakulong na dati dahil din sa droga. Nakumpiska sa kanila ang 7 sachet ng hinihinalang shabu.

Samantala, arestado ang isang electrician at kaniyang kasamahan sa Barangay San Martin De Porres.

Ayon kay Police Capt. Ramon Aquiatan Jr. ng Cubao Police Station, dati nang nakulong ang target ng operasyon habang nahuli na dati ang kasamahan nito dahil sa pagsusugal.

Nasamsam sa mga suspek ang 10 sachet ng umano'y shabu.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.