3 sugatan sa sunog sa Bukidnon

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2019 10:40 PM | Updated as of Sep 13 2019 11:22 PM

Tatlo ang sugatan matapos masunog ang isang bahay sa bayan ng Pangantucan, Bukidnon nitong Biyernes, Sept. 13, 2019. Kuha ni Golda Alforque-Paraluman

Tatlo ang nasugatan matapos masunog ang isang bahay sa bayan ng Pangantucan, Bukidnon nitong Biyernes.

Nakilala ang mga nasugatan na sina Norma Alforque, 80, Romeo Alforque, 78, at Elaine Alforque, 18.

Ancestral house ng pamilyang Alforque ang nasunog na bahay sa Everlasting Village sa Barangay Poblacion.

Nagtamo ng first at second degree burns sa katawan ang mga biktima.

Umabot ng higit isang oras bago naapula ang apoy.

Humigit-kumulang P200,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), naiwang kandila ang posibleng sanhi ng sunog dahil madaling araw pa lang ay nagka-blackout na sa lugar.

Naglabas naman ng saloobin ang anak ng mag-asawang Norma at Romeo na si Golda Alforque-Paraluman, dahil isang oras umano bago nakarating ang mga bumbero.

"It took almost 1 hour for fire trucks to arrive when we only live 5 minutes away from the closest [fire station]," ani Paraluman.

Paliwanang ng BFP, Hulyo pa sira ang kanilang fire truck. Mayroon ding fire truck ang lokal na pamahalaan pero sira din ito.

Ang fire truck mula sa karatig bayan ng Kalilangan at Maramag na lang ang rumesponde sa sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.