2 sugatan sa karambola sa QC

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2019 04:43 AM

Kevin Manalo, ABS-CBN News

MAYNILA—Sugatan ang 2 katao sa banggaan ng motorsiklo, SUV at taxi sa Quezon Ave., Quezon City Biyernes ng madaling-araw.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nabangga ng SUV ang taxi alas-3 ng madaling-araw.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumama ang taxi sa motorsiklo.

Nagtamo ng sugat sa binti ang drayber ng motorsiklo habang isinugod naman sa East Avenue Medical Center ang drayber ng taxi.

Depensa naman ng drayber ng SUV, may pampasaherong bus sa kanilang harapan ang bigla umanong pumreno kaya nangyari ang insidente.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.