'Ompong' bahagyang bumagal pero napanatili ang lakas

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2018 01:31 PM

Bahagyang bumagal ang bagyong "Ompong" sa 20 kilometro kada oras habang tinutumbok ang Northern Luzon, ayon sa huling inilabas na weather bulletin ng PAGASA nitong Huwebes. 

Gayumpaman, nananatili ang lakas nito sa 215 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong 255 kilometro kada oras.

Sa ngayon ay nakataas na ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar: 

  • Batanes
  • Cagayan kasama ang Babuyan Group of islands
  • Apayao
  • Abra
  • Kalinga
  • Mountain Province
  • Ifugao
  • Isabela
  • Benguet
  • Quirino
  • Nueva Vizcaya
  • Aurora
  • Nueva Ecija​
  • Bulacan
  • Rizal
  • Laguna
  • Quezon kasama ang Polillo Island
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Albay
  • Sorsogon
  • Burias and Ticao island
  • Northern Samar

Sabado ng umaga pa rin inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Northern Cagayan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.