Babae, huli sa 'pagpapatubos' umano ng pasaporte

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2018 07:46 PM

Inaresto ng Manila police ang isang dating empleyado ng nagsarang recruitment agency matapos umanong ipatubos ang pasaporte ng isang aplikante.

Kinilala ang suspek bilang si Lalaine Gomez na hinuli ng pulisya sa entrapment operation matapos ireklamo ng biktimang si Rosemarie Rodil.

Nag-apply bilang domestic helper sa Qatar noong Pebrero 2017 si Rodil sa ahensiyang dating pinagtatrabahuhan ni Gomez.

Nang mahuli, inamin ni Gomez na pinatubos niya ang pasaporte sa halagang P7,000.

Nahaharap sa kasong light coercion si Gomez dahil sa ilegal na pagtago niya sa pasaporte.

Payo naman ng Manila police sa mga gustong magtrabaho sa ibang bansa na sa lehitimo at accredited na recruitment agency ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) lang dapat mag-apply.

--Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.