18-anyos na babae, sinaksak matapos subukang gahasain

Vina Araneta, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2018 03:34 PM

DAVAO CITY - Duguang isinugod sa ospital ang isang dalagita Miyerkoles, matapos itong saksakin ng gunting sa leeg ng isang suspek na nagtangkang gahasain siya sa loob ng kanilang inuupahang boarding house dito sa lungsod.

Ayon sa 18-anyos na biktima, tinangka umano siyang gahasain ng suspek na si alias Jake ngunit nang magpumiglas siya ay kumuha ng gunting ang suspek at sinaksak siya ng 6 na beses sa leeg.

Agad na nagsumbong ang biktima sa may-ari ng boarding house kaya't agad siyang nadala sa Southern Philippines Medical Center.

Patuloy na hinahanap ng mga pulis ang nakatakas na suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.