Unang regional evacuation center sa bansa, itinayo sa La Union

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2017 03:03 PM

Itinayo ang kauna-unahang regional evacuation center sa bansa.

Matatagpuan ang istrukturang nagkakahalagang P22 milyon sa Barangay Agtipal sa munisipalidad ng Bacnotan sa La Union.

Magsisilbing dining area o silid-kainan at kusina ang unang palapag.

Sa itaas naman matatagpuan ang mga kuwarto ng mga evacuees.

Kasya umano ang 400 pamilya at 1,600 indibidwal sa center. 

-- Headline Pilipinas, Setyembre 13, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.