TINGNAN: Palaruan sa loob ng Dipolog City Jail

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2017 06:18 PM

Palaruan sa Dipolog City Jail. Dynah Diestro, ABS-CBN News

DIPOLOG CITY – Isang palaruan ang itinayo sa loob ng Dipolog City Jail para malibang ang mga batang anak ng mga nakakulong doon at hindi na isipin pa ang sitwasyon ng kanilang mga magulang.

Ang palaruan ay mayroong maliit na ball pit, slide, at playhouse kung saan maaaring maglaro ang mga bata habang bumibisita sa kanilang mga mahal sa buhay.

Palaruan sa Dipolog City Jail. Dynah Diestro, ABS-CBN News
Palaruan sa Dipolog City Jail. Dynah Diestro, ABS-CBN News

“Family bonding is really important. It’s a good stress reliever for them (detainees) to see their kids playing here, enjoying,” pahayag ni City Warden Benjamin Cepeda.

Isa itong paraan para hikayatin ang mga kamag-anak ng mga detainees na bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay sa bilangguan. Maaaring makatulong din ito sa kanilang rehabilitasyon. 

Ang Dipolog City Jail ay bukas sa pagtanggap ng mga laruang donasyon para sa mga batang bumibisita dito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.