Presyo ng tasty at pandesal, tumaas; 'Noche buena' items, maaaring magmahal | ABS-CBN
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Presyo ng tasty at pandesal, tumaas; 'Noche buena' items, maaaring magmahal

ABS-CBN News
Published Sep 13, 2017 08:55 PM PHT
Tumaas ang presyo ng tinapay kabilang na ang tasty at pandesal dahil sa pagtaas din ng presyo ng harina.

Ayon sa PhilBaking, asosasyon ng bread producers, tumaas ng piso hanggang dalawang piso ang branded na tinapay noong Agosto.

Sa kuwenta ng flour millers, mula P620.00 hanggang P650 kada sako, umakyat ang presyo ng harina sa hanggang P680 dahil sa pagtaas din ng presyo ng imported na trigo.

Pero ikinasasama ng loob ng grupong "Laban Konsyumer" ang hindi pag-aabiso ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko.

ADVERTISEMENT
Sagot ng DTI, hindi rin naman sila sinabihan ng bread manufacturers dahil hindi kasi basic commodity ang tasty at pandesal.

Ang importante anila, napako ang presyo ng pangmasang Pinoy tasty at Pinoy pandesal, pero hindi pa matiyak ng bakers na hindi rin tataas ang presyo nito.

Samantala, pinulong na rin ng DTI ang ilang grupo para alamin ang sitwasyon ng suplay at presyo ng manok at noche buena products para sa papalapit na holiday season.

Ayon sa DTI, hihilingin nila na huwag munang magtaas ng presyo para maging masaya rin ang bulsa ng mga mamimili sa Pasko.

Pero walang ipinapangako ang DTI lalo't may epekto sa presyo ng maraming bilihin ang paghina ng piso at kapag natuloy ang bagong buwis sa ilang produkto sa katapusan ng taon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Read More:
TV Patrol
TV Patrol Top
Alvin Elchico
Tinapay
Tasty
Bilihin
Balita
Department of Trade and Industry
DTI
PhilBaking
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT