School bag, napagkamalang bomba

Ronnie Enderes, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2016 09:50 PM

BUTUAN CITY – Isang bag na iniwan sa isang waiting shed ang ikina-alarma ng mga residente ng Barangay Libertad, Butuan City Martes ng umaga.

Matapos mapansin ang bag na mukhang walang nagmamay-ari, agad itong ini-report ng mga residente sa mga pulis. 

Matapos ang imbestigasyon ng Explosive and Ordnance team ng Philippine National Police, nalamang ito ay naglalaman lamang ng mga gamit sa paaralan at baong pagkain. Ito pala ay naiwan doon ng isang estudyante, at hindi ito agad nabalikan.

Ayon sa mga pulis, kahit negatibo sa eksplosibo ang bag ay mabuting kaagad itong pinaalam sa mga pulis.

Abiso nila sa mga residente ay huwag mag-iwan ng bag kung saan-saan, at agad ipaalam sa kapulisan kung sila ay nakakita ng mga bag at karton na mukhang kahinahinala upang siguradong hindi ito makapinsala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.