Negosyante, dinukot sa Lanao del Norte

Maricel Butardo, ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2016 02:35 PM

LANAO DEL NORTE – Pinaghahahanap ng mga pulis ang isang negosyante sa Linamon, Lanao del Norte na pinaghihinalaang dinukot ng hindi pa kilalang mga tao.

Ayon kay Lanao del Norte Provincial Investigator Chief Inspector Arnold Lao, palabas sana ng kanyang bahay ang negosyanteng si Clarita Belesario, pasado alas-singko ng umaga kahapon, nang harangin ito ng tatlong lalaki at isinakay sa isang sport utility vehicle (SUV).

Hindi pa masabi ng pulisya kung ano ang motibo ng grupo sa pagkuha kay Belesario, na may-ari ng isang gasolinahan sa kanilang lugar, dahil wala pa umanong grupo na nakikipag-ugnayan sa pamilya.

Sabi ng mga otoridad ay noong taong 2012 huling nakakuha ang negosyante ng mga banta, na kanya umanong binale-wala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.